
Bago nauso ang TikTok ngayong 2020, mayroon nang Dubsmash app na nauso at ginamit ng ilang celebrities noong 2015.
Kasama na riyan ang mga aktor na sina Juancho Trivino at Mikael Daez na tinangkang makilala bilang 'Dynamic Duo Dancers' sa pamamagitan ng Dubsmash.
Sa isang post ni Juancho sa Instagram, ibinahagi niya ang video nila ni Mikael habang sumasayaw ng 'Nae Nae.'
“Before there was TikTok, Dubsmash was the thing,” Juancho wrote in the caption.
“Rewind to 2015, where @mikaeldaez and I tried to start our careers as the 'Dynamic Duo Dancers.'
“Kitang kita niyo naman, medyo walang napala.
“Pero good thing na parehas na kaming kasal this year (only days apart), sure na kami na may tatanggap sa'min.
“'Yan ay si @joycepring and @meganbata.”
Dalawang beses kinasal sina Mikael at Megan Young. Noong una ay sa Caleruega Church noong January 10, 2020 na mayroon lamang 10 tao sa loob ng simbahan.
Nagpakasal muli sila noong January 25 sa San Roque Chapel sa Subic, Zambales kasama ang kanilang closests friends and family.
Samantala, kinasal sina Juancho at Joyce Pring sa isang Christian ceremony noong February 9 sa Sofitel Philippines sa Pasay City.