
Gaganapin na ngayong Sabado, May 30, ang inaabangang Sparkle Run 2026, na dadaluhan ng ilang Kapuso talents. Kaugnay nito, nag-post ng isang paalala ang Sparkle star at runner na si Juancho Trivino ng reminders para sa mga kapwa niyang runner.
Sa Instagram, nag-post si Juancho ng ilang litrato niya na may ilang words of encouragement.
“You are not a bad runner. Hear me out. Take note! I'm not an expert. I'm just someone who runs too. And honestly, I still feel this sometimes,” panimula ng aktor.
Pagbabahagi ni Juancho: hindi dahil mabagal tumakbo ay hindi na magaling. Sa katunayan, maging siya raw ay nalalagpasan pa rin ng ibang tao kahit matagal na siyang tumatakbo at magaganda ang kaniyang running records.
Paalala ni Juancho, “Nobody starts consistent, by the way! We need to build it. A lot of runners are just regular people trying. Your pace is valid. You don't need to be the fastest to be a real runner.”
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA INI-ENJOY ANG KANILANG RUNNING ERA SA GALLERY NA ITO:
Pinaalalahanan din ni Juancho ang kapwa niyang runners na huwag pahirapan ang katawan.
Diin pa niya, “You're not a bad runner. You're literally just in the growing phase, and that's okay.
"I've had runs where everything felt heavy. Minsan off yung pace at mapapatanong kung nag-improve na ba talaga ako. And I realized most runners probably experience that too. We just don't always post about it.”
Sa comments section, marami ang nagpasalamat sa words of encouragement ni Juancho, kung saan may ilan na nagsasabi na iyon mismo ang kailangan nila ngayon, hindi lang sa pagtakbo, kundi maging sa buhay.
“Just what I needed. Lalo na kapag napag-iiwanan na ako ng mga friends ko, though siyempre pamilyado na. Pero salamat talaga dito,” komento ng isang netizen.
“Your positivity and words of encouragement are what the world needs,” sabi ng isang netizen.