
Kinagigiliwan ng netizens ang bagong adventures ni Juancho Trivino bilang Padre Salvi.
Si Juancho ay ginagampanan ang karakter na Padre Salvi, ang kura ng San Diego sa tinututukang Maria Clara at Ibarra.
Sa isang Instagram post, ipinakita ni Juancho ang pamamasyal niya na nakabihis bilang Padre Salvi. Saad ni Juancho sa kanyang caption, gusto niya raw maghanap ng bagong kainan kaya sila namasyal.
PHOTO SOURCE: @juanchotrivino
"Nais ng pinakamamahal na Kura ng San Diego maghanap ng Comida (pagkain) ahora (now) at kasama ang kanyang mga alagad tayo'y maglakbay dito sa aming bayan para sumubok ng mga bagong kainan na hindi itinayo ni Senor Chrisostomo Ibarra."
Sa comments section ay makikita ang nakakaaliw na reaksyon ng mga netizens sa bagong post ni Juancho.
"Padre tila nag palit kayo ni binibining klay ng panahon ikaw ata ang pumasok sa portal 🤣" saad ng isang netizen.
Ayon naman sa isa pa, hindi niya kinaya ang mga hirit ng kura.
"Hindi ko kinaya Padre Salvi. 😂😂😂"
Comment ng isang user, "Nakakatuwa ka talaga padre.. ngunit dito lamang haha"
PHOTO SOURCE: Instagram
Ilang mga posts na rin ni Juancho ang kinagiliwan ng ng netizens. Isa rito ang kulitan kasama si Fidel na ginagampanan ni David Licauco.
Naaliw rin ang netizens sa paghahanap niya ng bagong sakristan. Ilang mga kabataan ang nakipagkulitan kay Juancho na nakabihis din bilang Padre Salvi.
Sundan ang pagganap ni Juancho sa Maria Clara at Ibarra sa GMA Telebabad.