What's Hot

Judy Ann Santos at pamilyang Agoncillo, ipinagluksa ang pagkamatay ni Nanay Binay

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 1:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Si Judy Ann ay laki kay Nanay Binay, o Sabina Domangas Quintana, noong mga panahong kinailangang magtrabaho ng kanyang inang si Mommy Carol sa ibang bansa. 


Isang malaking kawalan ang ngayong ipinagluluksa nina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, at kanilang pamilya nang pumanaw ang matagal nang nag-aalaga sa aktres, ang kanyang Nanay Binay, noong Martes, January 31.

Si Judy Ann ay laki kay Nanay Binay, o Sabina Domangas Quintana, noong mga panahong kinailangang magtrabaho ng kanyang inang si Mommy Carol sa ibang bansa. 

Nitong Lunes, January 30, nagawa pa ng pamilya ni Judy Ann na ipagdiwang ang 69th birthday ng kanyang mahal na yaya.

 

Happy birthday our dear nanay binay!! We love you so much!! Maraming maraming salamat sa pag mamahal at pag aalaga mo sa amin.. mahal na mahal ka namin..

A photo posted by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on

 

Mahal na mahal kita nanay...

A photo posted by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on


Ngunit kinabukasan, sumuko na sa kanyang karamdaman at sumakabilang-buhay si Nanay Binay.

Pamamaalam ni Judy Ann, “Goodbye nanay… No more tubes, no more pain… You can now finally rest in peace.. Mami-miss ko lambing mo pag binibisita mo kami.. Ikaw ang dahilan kung bakit andito ako ngayon.. Mahal na mahal kita Nanay Binay ko... #thebestnanay.”

 

Goodbye nanay... no more tubes, no more pain... you can now finally rest in peace.. mamimiss ko lambing mo pag binibisita mo kami.. ikaw ang dahilan kung bakit andito ako ngayon.. mahal na mahal kita nanay binay ko... #thebestnanay

A photo posted by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on


Nagpalipad sila ng mga lobo at kalapati para kay Nanay Binay. Iningatan din ng aktres ang mga abo nito.

 

We love you nanay ??

A video posted by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on

 

No goodbyes.. i'll see you on the other side my nanay... ?? ???????? (wag lang soon ah.. ) basta someday.. gabayan mo na lang kami ni rye sa pagpapalaki namin sa mga bata.. gaya ng ginawa mo sa akin. ????

A photo posted by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on


Patuloy niya, “No goodbyes.. I’ll see you on the other my nanay… (Wag lang soon ah..) Basta someday.. Gabayan mo na lang kami ni Rye sa pagpapalaki namin sa mga bata.. Gaya ng ginawa mo sa akin.”

Nangungulila man, naniniwala silang nananatili ang pamana ng pagmamahal at kalinga ni Nanay Binay sa kanila.

Ani Ryan, “It was your love that gave strength to the rock that this family is built on. Your legacy lives in the smiles of our children. Mabuhay ka Nanay Binay! Pero please wag lang sa gabing pupunga pungas pa kami ah.”

 

it was your love that gave strength to the rock that this family is built on. your legacy lives in the smiles of our children. mabuhay ka nanay binay! pero please wag lang sa gabing pupungas pungas pa kami ah????

A photo posted by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on


MORE ON RYAN AGONCILLO AND JUDY ANN SANTOS:

IN PHOTOS: Feel at home with the Agoncillos 

WATCH: Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos dancing to Spice Girls

READ: Why are Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos proud of their eldest daughter's gadget purchase?