
Humanga si Lolit Solis kay Judy Ann Santos sa pagtulong at pag-asikaso sa dati niyang talent manager at ngayo’y namayapa nang si Alfie Lorenzo.
Kasunod ng pagpanaw ni Alfie ay hindi naiwasan ni Lolit na isipin kung ano ang mangyayari sa kanya kapag dumating na ang oras na 'yun. Kaya naman, hanga siya sa dating alaga ng yumaong talent manager dahil hindi raw nakalimot si Judy Ann.
READ: Talent manager Alfie Lorenzo passes away
“Gusto kong pasalamatan si Judy Ann Santos-Agoncillo dahil sa ipinakita niyang pagmamahal kay Alfie Lorenzo na parang tatay na niya,” ani Lolit.
“Kahit minsan may tampuhan sila, siya pa rin ang unang tumulong at nag-asikaso, isang patibay na sa showbiz uso pa rin ang utang na loob,” patuloy niya.
Wika rin ni Lolit ay hindi raw doon magtatapos ang pagiging talent manager ni Alfie kay Judy Ann.
Sambit niya, “Andun pa rin ang wagas magmahal at palagay ko kahit sa kabilang buhay tiyak na gagabayan pa rin ni Alfie si Judy Ann dahil ang mga manager o handler feeling nila talaga pamilya ang alaga nila.”
Sa parehong post ay inihayag din ni Lolit ang kanyang kalungkutan sa pagpanaw ng kanyang mga kasabayan sa industriya.
“Dami memories, dami flashbacks, dami mga bagay na bumabalik sa alaala. Faded photographs, prayers for you my friends,” saad niya.