GMA Logo Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo
What's on TV

Judy Ann Santos, isinama ni Ryan Agoncillo sa 'Eat Bulaga' para sa kanilang anniversary

By Jimboy Napoles
Published April 29, 2023 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo


Ang dapat na pagbisita lang ni Judy Ann Santos sa mister na si Ryan Agoncillo, naging biglaang guesting pa! Balikan ang simple and sweet anniversary celebration ng celebrity couple DITO:

Biglaang nagkaroon ng anniversary moment ang celebrity couple na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ngayong Biyernes, April 28 sa Eat Bulaga.

Bibisita lang sana si Judy Ann sa kaniyang asawa na si Ryan sa trabaho nito pero hindi niya inakala na haharap siya sa mga Dabarkads. Isinama kasi siya ng kanyang asawa sa stage ng noontime show kung saan naroroon ang iba pang co-hosts nito.

Pagtungtong ni Judy Ann sa stage dito na siya binati ni Ryan ng happy anniversary at ng iba pang Eat Bulaga hosts gaya nina Joey De Leon, Allan K, Paolo Ballesteros, Wally Bayola, at Jose Manalo.

“Patunayan niyo naman na anniversary niyo,” tukso ni Joey kina Ryan at Judy Ann.

Dito na live na nagbigayan ng matamis na halik ang dalawa sa isa't isa sa harap ng maraming Dabarkads.

Samantala, doble naman ang naging selebrasyon dahil ngayong araw din ang kaarawan ng original hosts ng Eat Bulaga na si Bossing Vic Sotto.

SILIPIN ANG MGA LARAWAN NI JUDY ANN SANTOS NA KINUNAN NI RYAN AGONCILLO SA GALLERY NA ITO: