
Habang nasa ilalim tayo ng enhanced community quarantine (ECQ), maraming negosyo ang sarado tulad ng beauty salons at barber shops. Mukhang matatagalan pa bago ulit tayo makabisita sa mga ito dahil sa kinakaharap na COVID-19 pandemic.
Kaya dinaan na lamang ni Judy Ann Santos sa isang funny Instagram post ang pagkadiskubre niya sa tumutubong white hair o uban sa kanyang ulo.
"Reality bites ngayong ECQ .. naglabasan na mga uban ko.. yung iba kakatubo pa lang, puti na agad???
"Sorry guys... hindi kayo dumaan sa adolescent stage. Labasan na lang ng mga uban! Sino sasali??"
Nabasa ito ng kaibigan niyang si Kapuso actress Gladys Reyes at nag-iwan ng nakakatawang hirit.
Ani Gladys, "Sis @officialjuday! Aww, meron kna? Parang pag ako ata nagkaroon in denial pa rin ako hahaha."
Sumagot naman si Judy Ann ng "Wala ka pang uban sis!!!?? Baka diwata ka sis!!!"
Last week, ipinagdiwang nina Judy Ann at asawa niyang si Ryan Agoncillo ang kanilang 11th wedding anniversary.
IN PHOTOS: Meet Luna, Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos' youngest child