GMA Logo judy ann santos
What's Hot

Judy Ann Santos on love teams falling for each other: 'Pagdadaanan mo talaga yun'

By Nherz Almo
Published December 15, 2024 11:18 AM PHT
Updated December 15, 2024 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

judy ann santos


Judy Ann Santos: “Ako pa ba ang hindi makakaalam diyan?”

Dahil sa kontrobersiyang kinakaharap ng magka-love team na sina Maris Racal at Anthony Jennings, napag-uusapan ngayon kung posibleng bang mahulog ang loob ng mga magka-love team sa isa't isa.

Sa grand launch ng Espantaho, isa sa official entries ng 2024 Metro Manila Film Festival, natanong ang lead actress nitong si Judy Ann Santos, na dumaan na rin sa mga love team noong kabataan niya.

Natatawang reaksiyon niya, “Ako pa ba ang hindi makakaalam diyan? Ako pa ba ang hindi makakaintindi diyan? Maka-ilang beses kang… 'Ay, tapos na yun?'”

Isang miyembro ng press ang nagtanong kung sino ang ka-love team na tinutukoy niya, pero pabirong umiwas si Judy Ann, “Babalikan talaga natin 'yon?!”

Kasunod nito, ipinaliwanag niya na, “Pagdadaanan mo talaga yun, e. Kasi, wala kayong choice, you always see each other, nagpo-promote kayo. Then, your network would tell you, 'O, kailangan mas sweet pa kayo, ha.'

“May ganun, let's be blunt, kasi binebenta ninyo ang pelikula ninyo. Hanggang sa maging natural na ang sweetness ninyo kas inga kayo na ang nagkikita araw-araw.”

Tinanong ng entertainment media si Juday kung may mga chat din ba siya sa mga dating ka-love team.

Muling natawa ang aktres, “Wala! Ano lang yun, Pocket Bell lang yun, beeper lang. E, yung mga beeper naman hindi ka puwede magsabi ng mga malalaswang salita, di ba?”

Mabuti na lamang daw ang hindi pa uso ang chat noong henerasyon nila.

Sabi ng award-winning actress, “I feel for this generation. You really have to be careful kasi anything can really happen. You really have to be very disciplined alam mo dapat ang ginagawa mo, at kaya mong panindigan kung anuman yung nangyari.

“Kapag nag-uusap nga kaming mga magkakaibigan, nakakatakot yung panahon ngayon. Dati, yung blind item, hindi na mabubuntis yun, e, kasi magazine at tabloid, walang ise-search. Ngayon, kapag tinype ang pangalan mo… 'day, nakaka-stress! Nakakapag-palpitate!”

Sa huli, isang mahalagang paalala ang iniwan ni Judy Ann para sa publiko: “Sana let's also be kind.”

Samantala, tingnan ang love teams noon na naging magkarelasyon ngunit nauwi rin sa hiwalayan: