
Special para sa It's Showtime host na si Jugs Jugueta na ma-meet personally ang Kapuso Big Winner na si Caprice Cayetano ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Naging guest sina Caprice at Lella Ford sa noontime show noong March 6 at nagawa ng Itchyworms vocalist na makakuha ng litrato sa Sparkle actress.
Ipinost ni Jugs ang selfie kasama sina Cap, Kim Chiu, at Amy Perez. Sabi niya sa caption, “Nice to finally meet you IRL @capcaprice! Sobrang proud sa 'yo si Daddy.”
Tatay ni Caprice ang chef na si Jorge Mendez na bumisita rin sa Bahay ni Kuya.
Samantala, matapos manalo sa Big Night, taos-puso naman ang pasasalamat ni Caprice Cayetano sa naging makabuluhan niyang journey sa PBB.
Aniya, “Una po sa lahat maraming maraming salamat po sa PBB sa pagtanggap po sakin kung ano at sino ako. Kuya, maraming salamat po dahil naging magulang at kaibigan ka namin na ginagabayan kami sa araw araw. Sa second family ko.. Ash tala sofia carmelle princess eli Lella reich waynona Joaquin lee iñigo heath clifford marco Fred rave anton miguel. Salamat sa pagmamahal and sa lahat ng pinagdaanan natin mahal na mahal ko kayo and walang magbabago.”
RELATED CONTENT: Caprice Cayetano's dad steals the spotlight: Meet Chef Jorge Mendez