
Sa unang pagkakataon ay magkakasama sa isang pelikula sina Diego Loyzaga, Julia Barretto, at Bea Binene.
Sa pelikulang gagawin ng Viva Films na Will You Be My Ex? Ilalahad ang kuwento ng dating magkasintahan, na gagampanan nina Diego at Julia. Samantala, ang karakter naman ni Bea ay magkakaroon ng lihim na pagtingin sa magiging role ni Diego.
Dahil tungkol sa pagiging magkaibigan ng dating magkasintahan, hindi naiwasang matanong ang tatlong aktor na bibida sa pelikula kung posible itong mangyari sa tunay na buhay.
“Definitely. Depende siguro sa nangyari [sa relationship]. If okay kayo, I guess, you can be friends,” sagot ni Diego sa ginanap na story conference ng Will You Be My Ex? kamakailan.
Dagdag pa niya, “Up to what extent? That depends kasi after ng relationship, parang if you can be friends, it's like a new relationship, new dynamic. So, depende na doon kung hanggang saan. kayo magiging magkaibigan.”
Sa kabilang banda, naniniwala naman si Bea na hindi na posibleng maging malapit na magkaibigan ang dating magkasintahan.
Paliwanag niya, “Siguro not right away at hindi friends like [close] friends, pero siguro civil. Ako kasi, naniniwala ako na time heals. Siguro habang patagal nang patagal, as time goes by, as you get matured pa, mas maa-accept mo yung everything that happened. Kumbaga, kaya mong tingnan mata-sa-mata yung ex mo kapag natanggap mo na.”
Samantala, umiwas naman sumasagot si Julia at sinabing sa susunod na press conference na lang niya ito sasagutin.
Pabirong sabi ng dalagang aktres, “Ako siguro, happy na ako sa sagot ni Bea saka ni Diegs. Kasi parang ang aga pa para bukas ma-headline na. Baka sa presscon na lang kapag showing na tayo pero shoot tayo in peace.”
Bukod kina Julia, Diego, at Bea, bahagi rin ng pelikula sina Benj Manalo, Divine Aucina, Juan Carlos Galano, Debbie Garcia, Phoemela Barranda, Mickey Ferriols, at iba pa.
SAMANTALA, TINGNAN ANG CELEBRITY EX-COUPLES NA NANANATILING MAGKAIBIGAN: