What's Hot

Julian Trono, gagamitin ang pagsasayaw para makatulong sa kabataan

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 15, 2020 8:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Shai Gilgeous-Alexander drops 39 as Thunder hand Hawks 7th straight loss
Raps eyed vs group for blocking portion of road in Davao Oriental
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Julian uses his dance talent to help out kids. Paano niya ito sisimulan?
By AL KENDRICK NOGUERA


Sa murang edad, naiisip na ni Niño star Julian Trono ang magkaroon ng advocacy para sa mga kabataan. Pero dahil bata pa lamang siya, gagamitin niya lang ang kung ano ang mayroon siya – ang talent sa pagsasayaw.
 
Noong Pebrero lang naganap ang Hip Hop International competition na sinalihan ni Julian. Hindi na masama ang naabot ng batang aktor dahil kahit first time niyang sumali ay nakarating siya sa pre-semis.
 
Pero ayon sa aktor, kahit na nakamit na niya ang goal niya sa pagsali sa nasabing competition, ipagpapatuloy niya pa rin ang pagsali sa mga ganoong competition hangga't bata pa siya.
 
“Hindi naman nawala sa isip ko [na sumali ulit] eh, kasi nga sabi nga 'di ba, aim higher. Tapos passion ko rin talaga, so sabi ko, why not. I'm not closing any door kung bigyan pa ng chance sa schedule,” saad ni Julian.
 
Kuwento ni Julian, bukod sa pagsali sa dancing competition, mayroon daw siyang isa pang goal na gustong ma-achieve. Aniya, “Next year ay mag-scout ako ng kids to compete tapos ako ang bahala, ako ang magtuturo. 'Yon ang goal ko.”
 
Ikinuwento ni Julian na mayroon na siyang sariling dance studio, ang BodyRock Dance Studio. “Actually I have a dance studio diyan lang sa may Tomas Morato. Kids 'yung market namin talaga,” anang aktor.
 
“Actually parang advocacy ko rin 'yon na unti-unti kong binubuo. To encourage them [kids] to work with their passion, kung ano man 'yung gusto nila. It's either dancing, singing, arts, painting, or whatsoever. 'Di ba? Parang instead of doing bad things like bisyo,” paliwanag ni Julian.
 
May nagtulak daw sa kanya kung bakit niya naisip ang advocacy na ito.  Kuwento niya, “Last year nag-try akong tumakbo for Sangguniang Kabataan. Gusto kong bumaba sa tao kasi hindi talaga ako ganoon eh, nahihiya ako mag-approach sa mga tao. Pero doon ko natutunan lahat.”
 
Namulat daw si Julian sa sitwasyon ng mga kabataan dahil dito. “Nakita ko kung ano ba talaga 'yung problema sa kids to be in particular. So nag-hold kami ng events at ng feeding program, eleksyon eh. So doon ko talaga nakita kung ano 'yung problema,” aniya.
 
Napaisip daw si Julian nang makita niya ang kalagayan ng mga bata at hindi niya naiwasang makumpara sila sa mga taong nakakatrabaho niya sa showbiz. “Wow! Ito pala 'yung reality, habang a lot of people na mga nakakasama ko rito sa showbiz, more enjoy, more aircon, more relax, more on glam and fame,” saad niya.
 
Hindi natuloy ang SK eleksyon noong nakaraang taon. Pero ayon kay Julian, itutuloy niya pa rin ang advocacy niyang makatulong sa kabataan sa pamamagitan ng pag-encourage sa mga ito sa pagsasayaw imbis na mabaling sila sa masamang bisyo.