
Gusto n'yo bang magkaroon ng love team ang character ni Julian sa 'Buena Familia' na si Edwin?
By AL KENDRICK NOGUERA
Taong 2013 pa nang magkaroon ng love team si Kapuso actor Julian Trono at siya ay si Krystal Reyes na nakatambal niya sa remake ng Anna KarenNina.
Pagkatapos ng nasabing show, tila hindi nabibigyan ng kapareha si Julian tulad na lamang sa Niño at ngayon sa Buena Familia.
Sa istorya ng GMA Afternoon Prime soap, tanging ang kanyang role lang na si Edwin ang walang love interest bukod sa character ni Mona Louise Rey na si Faye.
Ayon kay Julian, kung siya ang masusunod, gusto niyang magkaroon ng love team si Edwin. "Gusto ko lang sana mag-explore 'yung character ni Edwin," pahayag niya.
Paliwanag niya, "Baka kasi maghanap ang tao ng something more like saan pa ba puwede si Edwin."
Pero ani Julian, wala pa raw siyang naiisip na artistang gusto niyang makapareha.