Article Inside Page
Showbiz News
Julian Trono expresses his admiration for Miguel Tanfelix's portrayal of Niño.
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Ilang buwan na ring ginagampanan ni Kapuso actor Miguel Tanfelix ang character ni Niño kaya’t hindi maiiwasang ma-absorb niya ang mentally-challenged role kahit sa likod ng camera.
Ayon nga sa co-actor niyang si Julian Trono, napapansin daw nila na in character pa rin si Miguel kahit wala na sa eksena. “Minsan nadadala na niya [si Niño] 'pag nagkukuwentuhan kami,” kuwento niya.
Sa tuwing napapansin daw ni Julian na si Niño ang kausap nila ay sinasabihan niya na agad si Miguel. “Uy tapos na! Nag-cut na (laughs),” aniya.
Ayon kay Julian, naiintindihan naman daw niya si Miguel dahil talagang passionate ang batang aktor sa kanyang trabaho. “Actually sobrang laki ng improvement niya sa pag-escalate niya doon sa pagwo-work niya sa character,” saad niya.
Bukod pa rito, napapabilib siya kay Miguel dahil kahit pagod na raw ito ay nade-deliver pa rin niya nang maayos ang character sa Telebabad soap.
“Alam mo 'yon kapag puyat ka na, siyempre hindi mo mapapantay[an] 'yung level mo noong hapon ka nagte-taping at 'yung madaling araw kang nagte-taping. So 'yon 'yung challenge talaga eh, 'yung masu-sustain mo pa rin ba 'yung level nung na-establish mong acting. And so far talagang nasu-sustain naman ni Miguel,” ani Julian.