What's Hot

Julie Anne San Jose, alay sa kanyang fans ang ginagawang school thesis

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 3, 2020 3:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Ibinahagi ni Julie Anne ang kanyang Mass Communication thesis na tungkol sa celebrity fans.
By AL KENDRICK NOGUERA, Interview by MARAH RUIZ
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
"Busy talaga like parang wala na akong time para sa sarili ko," 'yan ang binahagi ni Julie Anne San Jose ng kumustahin ng GMANetwork.com kung paano niya pinagsasabay-sabay ang kanyang career at non-showbiz commitments.
 
Inisa-isa ng 'Buena Familia' star ang activities na nagpapa-busy sa kanya. "Ang dami [kong pinagkakaabalahan]. Mayroon akong mall shows, out of town, and out of the country [shows and shoots]. I have school. I'm working on my thesis kasi graduating na rin. Gusto ko talagang makatapos sa pag-aaral and hopefully matapos ko siya within this school year."
 
READ: Julie Anne San Jose, hindi pa rin itinuturing na successful ang career
 
Ibinahagi ni Julie Anne ang kanyang Mass Communication thesis na tungkol sa celebrity fans. Aniya, "About fandoms, phenomenalogical study. Working topic pa lang naman 'yung about doon sa behavior ng fans towards celebrities. It's not like parang negative agad. Basta 'yung negative and positive."
 
READ: Julie Anne San Jose's 'Forever EP' debuts at the top spot on iTunes PH

Ayon kay Julie Anne, pinili niya ang ganitong topic dahil sa kanyang fans na palaging nasa tabi niya. "I just took advantage of the situation na parang nariyan na. Naroon din siyempre 'yung dedication ko sa fans ko kasi for them ko talaga ginagawa 'to and I also want to give them back kung ano man 'yung ibinibigay nila sa 'king suporta. So parang about them naman," pagtatapos niya.