
Bago matapos ang Heartful Café, magpapakilig muna ang mga bida nitong sina Julie Anne San Jose at David Licauco sa Kapuso ArtisTambayan.
Siguradong hindi papalampasin ng host ng Kapuso ArtisTambayan na si Betong Sumaya na tanungin kung may namamagitan na ba kina Julie Anne at David.
Kung may gusto kayong itanong kina Julie at David, mag-comment lang sa Facebook post ng GMA Network sa itaas.
Panoorin ang virtual date at kulitan nina Julie Anne at David mamayang 5 pm sa Facebook page ng GMA Network.
Samantala, patuloy na tumutok sa nalalapit na pagtatapos ng Heartful Cafe sa GMA Telebabad pagkatapos ng Endless Love.