GMA Logo Julie Anne San Jose, Mikee Quintos
Sources: myjaps/IG, mikee/IG
Celebrity Life

Julie Anne San Jose at Mikee Quintos, tutok sa pagkakaroon ng active lifestyle

By Kristian Eric Javier
Published March 18, 2025 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Scammers face up to 24 strokes of the cane in Singapore
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose, Mikee Quintos


Alamin kung papaano napapanatili nina Julie Anne San Jose at Mikee Quintos ang kanilang healthy lifestyle.

Bilang celebrities, importante kina Julie Anne San Jose at Mikee Quintos na healthy at fit sila lalo na ngayon na marami silang mga proyekto. Kaya naka-focus ngayon ang dalawang aktres sa pagkakaroon ng healthy at active na lifestyle.

Sa panayam sa kanila ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras nitong Lunes, March 17, ibinahagi nina Julie at Mikee ang kani-kanilang mga ginagawa para mapanatili ang kanilang healthy lifestyle.

“Recently, medyo nagiging active na rin ako sa pagtakbo so medyo bumabalik 'yung ganu'ng lifestyle so I always make sure to always work out kahit papaano kasi busy din e,” sabi ng Asia's Limitless Star.

Mas confident din ngayon ang kaniyang SLAY co-star na si Mikee Quintos matapos magbawas ng timbang.

Aminado ang aktress na nagkaroon siya ng self-doubt noong nakaraang taon at nahirapan muling maging fit. Ngunit sa tulong ng kaniyang pamilya at ng boyfriend na si Lolong: Bayani ng Bayan star Paul Salas, naging mas motivated siya tuparin ang kaniyang goals.

“Minsan 'yung tingin lang natin sa sarili natin 'yung naghi-hinder sa 'tin para maabot natin 'yung mga dapat para sa 'tin. When that shifted in my head, mas naging direct 'yung focus ko, mas naging motivated ako, mas naging masaya din ako,” sabi ni Mikee.

Napapanood ngayon sina Julie at Mikee sa unang GMA-VIU Original murder-mystery na SLAY na malapit na rin mapanood sa GMA Network. Gumaganap si Mikee bilang si Sugar na ayon sa aktres ay may pagkakapareho man sa kaniya, malaki rin ang pinagkaiba.

“Personality-wise, yes. very Mikee. Pero 'yung mahugutin, hindi ako matanim ng galit as Mikee, pero si Sugar maganu'n,” sabi ng aktres.

Ginagampanan naman ni Julie si Liv na marami umanong mabibigat na eksena.

“Habang binabasa ko 'yung script, pa-intense nang pa-intense. Grabe 'yung mga revelations, since it's a murder-mystery, kailangan tutok kaming lahat sa bawat kilos at galaw ng bawat character kahit hindi kami 'yung magkaka-eksena,” sabi ni Julie.

Abangan sina Julie Anne San Jose at Mikee Quintos sa SLAY simula March 24, 9:25 p.m. sa GMA

Panoorin ang panayam kina Julie at Mikee rito:


TINGNAN ANG ILANG AKTRES NA NAGISISILBING FITSPIRATIONS SA GALLERY NA ITO: