
Muling magbabalik sa telebisyon ang Kapuso original reality talent competition na The Clash 2025 ngayong June.
Magbabalik rin sina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose at Kapuso Talented Performer Rayver Cruz bilang clash masters.
Patikim ni Julie, "First time in the history of 'The Clash' na mangyayari ito."
Dagdag ni Rayver, "Kasi sa 'The Clash' nangyayari 'yung lagi kang gulat na parang, 'Ah, nangyari 'yon?' Ang galing ng writer ng 'The Clash' talaga."
Muling magbabalik bilang judges ng The Clash sina Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas, Asia's Nightingale Lani Misalucha, at Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista.
Saad ni Christian, "Nag-e-enjoy talaga kami, para na kaming pamilya dito. We get all, even 'yung mga production."
Dagdag ni Aiai, "Tsaka sanay kami na kami talagang tatlo, parang hindi pwedeng hindi kami, e."
Dahil panibagong season na ang The Clash, aminado si Aiai na magpapalit siya ng istilo ng pagkokomento lalo na't may mga nangyari sa kanyang buhay nitong nagdaang taon.
Aniya, "Ako siguro magche-change ako into a single person. Una kasi, medyo may pagka-matandang dalaga na ngayon ang peg ko, so may pagkamasungit na ako."
Dagdag ni Lani, "Magpapalit na kami ni [Aiai], ako na 'yung magiging ekstravaganza kung magdamit, talagang sobrang extrovert, daring ganyan."
Pagtatapos ni Christian, "Hindi po ako magbabago."
Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras:
Abangan ang The Clash 2025 ngayong June sa GMA.