GMA Logo Julie Anne San Jose, Rayver Cruz
What's on TV

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, handa na sa 'The Clash 2024

By Jansen Ramos
Published August 16, 2024 1:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz


Ipapalabas ang bagong season ng 'The Clash' ngayong Setyembre.

Kakauwi pa lang galing California, USA nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz para sa Sparkle World Tour ay naghanda na agad ang dalawa para sa plug shoot at pictorial ng ikaanim season ng The Clash na may opisyal na pamagat ng The Clash 2024.

Ganito raw sila ka-excited na bumalik bilang host o "Clash Masters" para sa brand new season ng GMA musical competition na magpe-premiere na sa Setyembre.

"Panibagong magagaling na singers, mga world class singers naman ang masasaksihan namin sa Clash arena," ani Julie sa panayam ni Aubrey Carampel sa 'Chika Minute' report ng entertainment correspondent sa 24 Oras noong Huwebes, August 15.

May patikim pa si Rayver tungkol sa kanilang bagong stage this season.

"It keeps getting better 'yung mga contestant, plus 'yung stage namin paiba-iba every year. And kapag nakita n'yo 'yung stage namin this year, naiiba na naman, so nakaka-excite," aniya.

Parehong abala sina Julie at Rayver sa kani-kanilang career dahil bukod sa The Clash, may iba pang show ang real-life couple.

Magbabalik din si Julie bilang coach ng spin-off ng The Voice na The Voice Kids, kasama sina Billy Crawford at Stell. Makakasama rin nila sa unang pagkakataon ang isa pang miyembro ng SB19 na si Pablo bilang coach.

Samantala, patuloy ang pamamayagpag ng teleseryeng kinabibilangan ni Rayver na Asawa ng Asawa Ko na ipinapalabas sa GMA Prime.

BAGO PA MAGSIMULA ANG BAGONG SEASON NG THE CLASH, KILALANIN ANG REIGNING CHAMP NITONG SI JOHN REX.