
Isa sa mga pinakamalaking tanong ng mga fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ay kung kailan magle-level up ang kanilang relasyon.
Sa All-Out-Sundays episode noong Linggo, hindi na rin napigilan itanong ni Boy Abunda kung malapit na bang ikasal ang dalawa.
"Tito Boy, ito na seryoso, ang plano ko po talaga ngayong 2025 ay mas maipakita ko pa kay Julie at sa parents niya na ako na talaga ang karapat-dapat niyang mapangasawa sa future," matapang na sinagot ni Rayver.
Pagkatapos sumagot ni Rayver, naghiyawan naman ang mga tao at kapwa artista nila sa kilig. Binati rin ni Tito Boy na maganda raw ang plano ni Rayver.
Dagdag ni Julie, "Mahal ko talaga si Ray. Wala naman na akong hinahanap na iba eh, so papunta na tayo dun."
Sinabi ni Tito Boy na hihintayin na lamang nila kung kailan ang kasal at hindi na sila mangingialam pa.
"Pero para sa inyong dalawa, all the best in 2025!" pagbigay ni Tito Boy ng nakakakilig na mensahe kina Julie at Rayver.
Kaya naman abang-abang na lamang, mga JulieVer fans!
Tingnan dito ang kilig moments nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz: