Article Inside Page
Showbiz News
Ano ang ginawa ng upcoming 'Buena Familia' star para ma-achieve ang 23-inch waistline?
By AL KENDRICK NOGUERA
Marami ang nagulat nang biglang pumayat si Kapuso singer-actress Julie Anne San Jose. Marami ang nakapansin sa sexy physique ni Julie nang mag-post siya sa kanyang Instagram ng isang larawan niyang nakasuot ng two-piece swimsuit.
Nang ma-interview si Julie sa story conference ng kanyang pinakabagong show na Buena Familia, sinagot na niya ang mga isyu tungkol sa kanyang pagpapapayat.
Ani Julie, hindi raw totoong ginugutom niya ang sarili. "Akala kasi ng iba, hindi ako kumakain kaya ganito ako kapayat," saad niya.
Paliwanag niya, nagpapayat daw siya ngayong summer dahil nagpunta siya
sa beach.
Bukod pa rito, may nagsabi raw sa kanya na subukan niyang magpapayat.
Aniya, "Sinabi sa 'kin, Julie, try mo kayang magpapayat nang kaunti kasi nga, nagdadagdag pa ng pounds 'pag nasa TV ka na. Eh flat screen TVs na ngayon so parang mas nage-gain ka ng weight kapag nasa TV ka na."
23 inches na lang daw ang waistline ngayon ni Julie. "So far okay naman po ako [sa physique ko]. I feel okay and I feel more confident din," anang Buena Familia star.
After ma-achieve ang sexy image, awat na raw si Julie sa pagpapapayat. "Ayoko na po. Tama na po kasi ayoko rin po nang masyadong sobrang payat kasi hindi na mukhang healthy tingnan," pagtatapos niya.