Hinding-hindi raw makakalimutan ni Julie Anne ang kanyang unang taping kasama sina Bobby at Angelu.
By AL KENDRICK NOGUERA
"Before, pinapanood lang namin sila sa TGIS as Peachy and Wacks. Tapos ngayon, 'yung phenomenal love team before [ay] kaeksena na namin," 'yan ang pahayag ni Julie Anne San Jose nang ibahagi niya sa GMANetwork.com na hanggang ngayon daw ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakakaeksena na niya ang kanyang mga iniidolo.
Hinding-hindi raw makakalimutan ni Julie Anne ang kanyang unang taping kasama sina Bobby at Angelu na tumatayong magulang niya sa 'Buena Familia.'
"Actually noong unang sabak namin with them, medyo na-intimidate kami. Ako personally na-intimidate ako. Na-starstruck ako," ani Julie Anne.
Bahagi ni Julie Anne, kailangan niya raw pigilan ang kaba dahil baka raw maapektuhan nito ang kanilang taping. Dahil dito, gumawa raw siya ng paraan para unti-unti itong mawala.
"Ang iniisip ko na lang na kailangan kong alisin 'yung fear ko na ganoon kasi siyempre kailangan ko sa trabaho eh. Mas marami pa kaming magiging eksena together. Tsaka inisip ko na lang na parang mommy ko na rin siya," pagtatapos ng 'Buena Familia' star.