What's on TV

Julie Anne San Jose, excited na may musical variety show muli ang GMA Network

By Gia Allana Soriano
Published October 5, 2018 10:35 AM PHT
Updated October 5, 2018 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

In Focus: Chavit Singson (Teaser pt. 2)
Lalaki, ano ang nahanap sa lugar na tinatahulan ng kanyang mga aso? | GMA Integrated Newsfeed
January 19, 2026: One North Central Luzon Livestream

Article Inside Page


Showbiz News



Excited na ang Asia's Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose para sa bagong musical variety show ng GMA, 'Studio 7.'

Excited ang Kapuso total performer na si Julie Anne San Jose sa upcoming musical variety show ng GMA Network, ang Studio 7, kung saan makakasama niya sina Migo Adecer, Kyline Alcantara, Christian Bautista, Mark Bautista, Rayver Cruz, Donita Nose and Tekla, Gabbi Garcia, Cassy and Mavy Legaspi, Mikee Quintos, Kate Valdez, The Clash Champion Golden Canedo, at ang The Clash finalists.

GMA offers a new musical variety show na mapapanood every Sunday night. Studio 7, this October 14 na! #Studio7MediaCon

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork) on


Aniya, "Na-realize namin na puwede kami gumawa ng production na sama-sama kami. Sobrang happy [kami] na finally mapapanood na nating mga Kapuso ang pinakabagong musical variety show ng GMA (Studio 7). Ang tagal po naming hinintay ito, kasi ang last po is Sunday All Stars, [so] finally may bago po ulit [na musical variety show] ang GMA."

Abangan ang Studio 7, ngayong October 14 na, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.