
Viral kamakailan ang pasabog na entry ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa “Piliin Mo Ang Pilipinas” trend kung saan nag-transform siya bilang si Maria Clara na character niya sa award-winning Kapuso series na Maria Clara at Ibarra.
Mabilis na pinag-usapan at nag-trending ang video ni Julie gaya ng ibang entries ng mga kapwa niya celebrity, at content creators.
Sabi ni Julie sa panayam sa kaniya ng GMANetwork.com, hindi niya inakala na magba-viral din ang kaniyang entry dahil biglaan din ang naging preparation nila ng kaniyang team.
Aniya, “Hindi ko rin in-expect kasi maraming nagti-Tweet, maraming nagre-request. Sabi nila 'Julie, gawin mo naman 'yung Maria Clara trend ganyan-ganyan.' Kasi wala talaga akong time no'ng una tapos everybody tries to request nga tapos 'yun finally nagka-time na ako tapos humabol ako kahit papa'no, we thought of the Maria Clara costume nga thankfully na-pull-off naman namin.”
Ayon pa sa singer-actress, may mensahe rin siyang gustong iparating sa kaniyang “Piliin Mo Ang Pilipinas” video.
“At first, gusto ko lang 'yung simple lang talaga and then everyone was trying to 'yung like padagdag nang padagdag ang make-up, ako pabawas nang pabawas, para naman maiba, and 'yung parang key message ng video is to really highlight the natural beauty of a Filipina kasi magaganda na tayong mga Filipina e.
“So 'yung mga makeup and all that, 'yung mga ayos natin, it's only to accentuate our features 'di ba? Ito 'yung parang naging concept nung video ko para maiba din doon sa ibang videos,” ani Julie.
Samantala, idadaos naman ni Julie ang kaniyang 30th birthday ngayong Biyernes, May 17.
RELATED GALLERY: Julie Anne San Jose's birthday wish: 'Happiness lang talaga and more blessings'