Celebrity Life

Julie Anne San Jose, handa na ba sakaling mag-propose si Rayver Cruz?

By Kristine Kang
Published June 3, 2025 12:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose Rayver Cruz relationship


May plano na kaya sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na magpakasal?

Isa sa mga tinatangkilik at kinikiligang real-life couples sa Kapuso network ay ang powerhouse duo na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Mula sa kanilang fiery performances on stage hanggang sa candid moments sa likod ng kamera, hindi maikakaila ang natural na chemistry ng dalawa.

Ngayong ilang taon na rin silang bilang magkasintahan, tanong ng marami: Handa na ba sila sa susunod na yugto ng kanilang relasyon?

Sa isang panayam ng GMA Integrated News, tinanong si Julie Anne kung handa na ba siya kung sakaling mag-propose na si Rayver.

Ang sagot ng Asia's Limitless Star, "Hindi po ako makakasagot niyan dahil hindi pa po natin alam kung kailan. But eventually kapag dumating na po 'yung time na ready na pareho, ready na ako, of course in God's will naman. Everything will fall into place."

Sa ngayon, inuuna raw ni Julie Anne ang pag-enjoy sa buhay at sa kanilang relasyon ni Rayver ngayon. Lalo na't maraming taon din siyang naging focus sa trabaho, pag-aaral, at karera.

Pero nilinaw ni Julie Anne, na tiyak "the one" ang Kapuso actor sa kanyang buhay.

Kahit wala pang kasalang nakaabang sa kalendaryo, natanong din si Julie Anne kung may dream wedding na ba siya.

Agad na sagot ng aktres, "Gusto ko sa simbahan. Very traditional din kasi 'yung pamamaraan ng pamilya ko. So I also want to preserve that tradition sa family namin."

Sa ngayon, abala si Julie Anne sa kanyang karera lalo na't kasama siya sa mystery drama series na SLAY. Kasama niya dito ang iba pang Kapuso stars tulad nina Gabbi Garcia, Ysabel Ortega, Mikee Quintos, at Derrick Monasterio.

Hindi rin magpapahuli ang tambalan nina JulieVer dahil muling magbabalik sila bilang hosts sa The Clash 2025 ngayong June 8 sa GMA.

Balikan ang cute photos nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa gallery na ito: