Ayon kay Julie Anne, hindi siya tumitigil para tuloy-tuloy pa rin ang improvements ng kanyang career. "People might see me as a successful person already pero I'm still learning. I'm still honing [my skills]," saad niya.
Ikinumpara ni Julie Anne ang itinatakbo ng kanyang career sa istorya ng character na ginagampanan niya sa Buena Familia na si Darling. Tulad ng aktres, pangarap din ni Darling ang sumikat bilang singer.
Ano ang pagkakapareho nila? "Lahat ng bagay [ay] pinaghihirapan nila at 'tsaka lahat [ay] dumaan sa butas [ng karayom]," sagot niya.