
Muling ipinamalas ni Julie Anne San Jose ang kanyang galing sa pag-awit at pag-rap sa isang TikTok video. Ang napiling i-duet ni Julie Anne ay ang rap part sa solo debut song ni Lisa ng BLACKPINK na "LALISA."
Ang TikTok video na ito na umabot na sa mahigit kalahating milyon ang views ay ipinost din ni Julie sa kanyang instagram account.
Ang kanyang mga kaibigan sa showbiz, hindi napigilang magkumento sa video na ito ng Asia's Limitless Star.
“eto na ngaaa nire-rehearse mo lang to kahapon ehhh. iba talaga!” ani The Clash Journey Host Rita Daniela.
Kumento naman ni The Clash alumnus at Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden “OK guys ! its a wRAP.”
Pati ang Kapuso journalist na si Mariz Umali, napabilib din ni Julie. Aniya, “Sobrang galing talaga @myjaps”
Kasalukuyang mapapanood si Julie bilang Clash Master sa Kapuso reality singing competition na The Clash tuwing Sabado, 7:15 pm at Linggo 7:40 pm sa GMA.
Samantala, silipin ang behind-the-scenes ng 'Breathe,' ang unang bahagi ng 'Limitless, A Musical Trilogy' ni Julie Anne San Jose sa gallery na ito: