Celebrity Life

Julie Anne San Jose, ibinahagi ang sikreto ng masayang relasyon nila ni Benjamin Alves

By Maine Aquino
Published August 7, 2018 3:38 PM PHT
Updated August 7, 2018 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Babae, patay nang pagsasaksakin at bugbugin ng mister dahil sa selos umano; suspek, nakita sa balon
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Pareho mang busy sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves, nananatiling matatag ang kanilang relasyon. Ano nga ba ang kanilang sikreto?

Pareho mang busy ang mga schedules nina Julie Anne San Jose at ng kanyang boyfriend na si Benjamin Alves, nananatiling matatag ang kanilang relasyon. Ano nga ba ang sikreto ng kanilang pagsasama?

Kuwento ni Julie sa ginanap na launch ng kanyang album na Breakthrough, "We're just really enjoying whatever we have right now. We're happy. Happy with each other."

IN PHOTOS: Julie Anne San Jose's 'Breakthrough' album launch

My life, you electrify my life.

Isang post na ibinahagi ni Benjamin Alves (@benxalves) noong

Hindi umano hadlang sa kanila ang busy schedule ng kani-kanilang mga showbiz commitments. "Kumbaga 'yung busy schedule naman parang kaya naman siyang i-work out eh. It's just a matter of understanding talaga. We both understand our line of work, it's not gonna be a problem kasi nandoon 'yung trust ninyo sa isa't isa, nandoon 'yung commitment ninyo. As long as you respect and trust and love each other."

Ibinahagi rin ni Julie ang isang pinakaimportanteng dapat gawin para mag-last ang isang relasyon. Aniya, "Communication. 'Yun 'yung key talaga, communication. That's the most important thing."