What's on TV

Julie Anne San Jose, ibinahagi ang sikreto ng tagumpay ng 'Sunday Pinasaya'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 12, 2020 2:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippine Consulate congratulates New York Knicks, Fil-Am star Jordan Clarkson
AdDU to name covered court after Rene Baterbonia
Farm to Table: (June 14, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Simula nang umere ang 'Sunday PinaSaya' noong Agosto ay hindi matawaran ang taas ng ratings ng bagong comedy-musical variety show ng Kapuso network. Ano nga ba ang sikreto nito?


By CHERRY SUN

Simula nang umere ang Sunday PinaSaya noong Agosto ay hindi matawaran ang taas ng ratings ng bagong comedy-musical variety show ng Kapuso network.

Ano kaya ang sikreto sa likod ng tagumpay ng Sunday PinaSaya?

Ibinahagi ni Julie Anne San Jose sa GMANetwork.com na ang innovation ng program at kanilang relationship ng kanyang fellow hosts ang dahilan sa likod ng successful Kapuso Sunday program.

READ: “It’s not a matter of ratings” – Julie Anne San Jose on 'Sunday PinaSaya’s' competition with the new Kapamilya noontime show

Aniya, “Siguro ‘yung concept of comedy skits na naging comedy – [musical] variety show siya, ‘yung mga skits and ‘yung mga plays na ginagawa namin nang live.”

“Kasi ‘di ba parang, ‘Bago ‘to ah,’ and iba-iba siya. And aside from that may added flavor, may added spice siya ng mga production numbers din. We have guests na mga bigatin,” dagdag din ni Julie Anne.

Kahit bigatin ang mga kasama ng Asia’s Pop Sweetheart sa programa tulad nina Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas, Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, at Pambansang Bae Alden Richards ay hindi raw sila nagsasapawan at lahat ay magkakasundo. Magkakapantay at “buddies” daw ang tingin nila sa isa’t isa, habang si Aiai ang tinuturing nilang nanay sa grupo.

“Kagulo! Sobrang saya lang talaga. One family kami, 'tsaka parang wala kang makikitang bakas ng problema. Stress reliever siya. Whenever I’m with them din, pag problemado ka, mapapatawa ka na lang bigla. Sobrang nakakatawa talaga,” kuwento ni Julie Anne.

Dahil sa bagong handog ng Sunday PinaSaya at maayos nilang relasyon ay nakakamit nila ang tunay na hangarin ng programa.

“Sobrang nakakatuwa lang talaga kasi maganda ang feedback ng mga tao. Alam namin napapasaya namin sila every Sunday,” wika ni Julie Anne.