GMA Logo julie anne san jose the clash
Source: myjaps (IG)
What's on TV

Julie Anne San Jose, inaming nagugulat din sa twists sa 'The Clash 2025'

By Jansen Ramos
Published June 22, 2025 6:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

julie anne san jose the clash


Hindi maiwasan ng Asia's Limitless Star at Clash Master na si Julie Anne San Jose na maapektuhan sa twists na nangyayari sa 'The Clash 2025.'

Aminado si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose na nadadala siya sa kanyang emosyon sa tuwing nasa entablado ng The Clash 2025, kung saan Clash Masters sila ng kanyang boyfriend na si Kapuso Total Heartthrob Rayver Cruz.

Sabi ni Julie sa media conference ng The Clash 2025, hindi niya maiwasang maapektuhan dahil sa tindi ng twists ng Kapuso singing competition ngayong season.

Aniya, "Mas magiging exciting itong season na ito dahil mas maraming pasabog at mechanics na hindi rin ine-expect ng mga Clashers natin at kami, personally, nagugulat din kami sa magiging takbo ng competition."

Sa pilot episode ng programa, ipinakilala ang 12 past Clashers na nagbalik para harapin ang 12 new Clashers, na first time nangyari sa kasaysayan ng The Clash 2025.

Jong Madaliday, Jeniffer Maravilla, Arabelle Dela Cruz, at ibang past Clashers, nagbabalik sa 'The Clash 2025'

Dahil sa big twist na ito, sigurado si Julie na mas magiging mahigpit ang labanan sa pagitan ng New Clashers at Clashbackers.

Sabi pa niya, "I also believe na every round kasi alam naming binibigay din nila yung 110 percent nila sa bawat performance nila. So kami lagi naming ine-expect na magiging fresh at laging bago at talagang mapapa-wow yung Clash panel."

Dagdag pa ni Julie, patunay lang ito na maraming Pilipino ang may world-class talent.

"And I think that's what makes this show really extraordinary kasi kakaiba talaga yung talent ng mga Pilipino and we're just very, very happy to have this kind of competition, an original by GMA, na talagang nagpo-provide ng opportunities sa mga singers at artists, not only here but also all over the world."

Mapapanood ang The Clash 2025 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.