GMA Logo Julie Anne San Jose
Source: myjaps (Instagram)
What's Hot

Julie Anne San Jose, isinisingit sa busy schedule ang paghahanda para sa GMA Thanksgiving Gala

By Jimboy Napoles
Published July 7, 2023 12:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose


Abala man sa kabi-kabilang proyekto, naghahanda na rin ngayon si Julie Anne San Jose sa nalalapit na ikalawang GMA Thanksgiving Gala.

Sa kabila ng pagiging abala sa kaniyang kabi-kabilang mga proyekto, naghahanda na rin ngayon si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose para sa kaniyang pagdalo sa ikalawang GMA Thanksgiving Gala na gaganapin ngayong July 22.

Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, sinabi ni Julie na marami pa siyang kailangan gawin para sa nasabing event.

Aniya, “Sa aming mga babae kailangan talaga maraming ginagawa e, like sa hair, nails, sa make-up, sa facial.”

Ayon pa sa Sparkle actress, nagkausap na rin sila ng kaniyang magiging partner sa gala na si Rayver Cruz tungkol sa kanilang isusuot pero surprise na lamang daw ang kanilang magiging look.

“Surprise na lang siguro, wala pa kasi akong sine-send sa kaniya kaya surprise na lang,” masayang sinabi ni Julie.

Samantala, bibida rin sina Julie at Rayver sa kanilang first movie together na The Cheating Game mula sa produksyon ng GMA Public Affairs.

Aminado si Julie na malayo sa dati niyang ginagawa ang kaniyang role sa nasabing pelikula, kung saan kumasa na siya sa ilang daring scenes.

Kuwento ng aktres, “Siguro kasi tapos na kami doon sa tweetums stage, mas mature lang 'yung attack namin sa mga role namin dito.”

Dagdag pa niya, “Pinaka-nahirapan ako actually 'yung mga confrontational scene.”

Bukod naman sa bagong pelikula, abala rin ngayon si Julie sa blind auditions ng The Voice Generations kung saan isa siya sa napiling coaches kasama sina Billy Crawford, Stell Ajero ng SB19, at Pinoy rock artist na si Chito Miranda.

“Ayun, first time kong magko-coach, usually kasi judge sa mga event, or host previously sa The Clash tapos sa All-Out Sundays but now as a coach naman. I'm nervous but more excited kasi mai-impart namin sa kanila [talents] 'yung mga nalalaman namin,” pagbabahagi ni Julie.

Para sa iba pang showbiz updates, bisitahin ang GMANetwork.com.

SILIPIN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI JULIE ANNE SAN JOSE SA GALLERY NA ITO: