GMA Logo Maria Clara at Ibarra
What's on TV

Julie Anne San Jose, itinuturing na isa sa 'most challenging' ang eksena kasama si Tirso Cruz III sa 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published December 29, 2022 12:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Park Ji Hoon is coming to Manila in 2026
Hoopster from Pavia, Iloilo is NCAA 101's Most Valuable Player
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra


Isa raw sa "most challenging" scenes para kay Julie Anne San Jose ang kumpruntasyon nila ni Tirso Cruz III sa 'Maria Clara at Ibarra.'

Muling nakapag-flex ng kanyang acting chops si Asia's Limitless star Julie Anne San Jose sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Gumaganap dito si Julie Anne bilang Maria Clara at sa episode kagabi, December 28, nalaman na niya na ang kanyang ninong na si Padre Damaso, played by Tirso Cruz III, ang tunay niyang ama.

Agad niyang kinumprunta ang prayle at nagresulta ito sa isang emosyonal na eksena.

Ayon kay Julie Anne, isa ang eksenang ito sa pinakamahirap na ginawa niya para sa Maria Clara at Ibarra. Bukod kasi sa matitinding emosyon na kailangang maipamalas dito, isang beterano at award-winning actor pa ang kanyagn kaeksena.

"By far one of my most challenging confrontational scenes in MCI. Muchas gracias a todos (Maraming salamat sa inyong lahat) sa walang sawang pagsuporta at pagsubaybay, xoxo…" sulat ni Julie Anne sa Instagram kung saan ibinahagi niya ang clip ng nasabing eksena.

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)

Nakatanggap naman si Julie Anne ng papuri para sa mahusay niyang pagganap sa eksena.

Sa katunayan, nanguna ang official hashtag ng episode ng #MCIAmaNiClarita sa top ten trending topics ng Twitter Philippines.

Bukod dito, nag-trend din ang mga katagang "Julie Anne San Jose," "Maria Clara," at "Padre Damaso."


Patuloy na tumutok sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG EXCLUSIVE BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG SERYE RITO: