GMA Logo Julie Anne San Jose and Lani Misalucha Mikael Daez Do Re Mi challenge
Celebrity Life

Julie Anne San Jose, Lani Misalucha, at iba pang celebs, kumasa sa 'Do Re Mi' Challenge

By EJ Chua
Published September 28, 2024 4:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose and Lani Misalucha Mikael Daez Do Re Mi challenge


May makulit at kahanga-hangang entries ang ilang Filipino celebs para sa viral na Do Re Mi challenge.

Viral ngayon sa social media ang Do Re Mi challenge.

Bukod sa netizens, hindi rin nagpahuli sa challenge na ito ang ilang Filipino celebrities.

Kabilang sa kanila ay ang real-life Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez.

Sa kanilang entry sa TikTok, mapapanood na tila struggle is real habang sabay nilang sinusubukan na tapusin ang challenge.

Kumasa rin dito ang The Clash Champion at Sparkle artist na si Mariane Osabel.

Hindi rin nagpahuli sa trending na challenge ang social media influencer na si Bella Poarch.

May makulit na entry naman ang Asia's Nightingale at The Clash judge na si Lani Misalucha na talaga namang parehong nag-tiyaga hanggang dulo.

Ang tinaguriang Asia's Limitless Star at The Voice Kids coach naman na si Julie Anne San Jose, natapos ang challenge ng isang take lang at walang sabay.

RELATED CONTENT: Kapuso singers na kilala rin bilang actors

Samantala, bukod sa kanila, may nakakaaliw na entry din para sa naturang challenge ang ilan pang celebrities.

Ilan pa sa game na game na sumubok na gawin ito ay ang OPM artist na si Moira Dela Torre at Kapuso star na si Rodjun Cruz.