GMA Logo Julie Anne San Jose
What's on TV

Julie Anne San Jose, madalas pa ring tanungin kung kailan ang kasal kay Rayver Cruz

By Kristian Eric Javier
Published September 6, 2025 5:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Babae, patay nang pagsasaksakin at bugbugin ng mister dahil sa selos umano; suspek, nakita sa balon
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose


May makabuluhang sagot si Julie Anne San Jose sa mga nagtatanong sa kaniya kung kailan na ang kasal nila ni Rayver Cruz.

Ibinahagi ni Julie Anne San Jose na madalas pa rin siyang natatanong kung kailan na ang kasal nila ng nobyong si Rayver Cruz. Kaya naman isang makabuluhang sagot ang iniwan ng Asia's Limitless Star tungkol dito.

Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, September 5, kinumusta ni King of Talk Boy Abunda kung gaano kalaki ang kontrol ni Julie sa kaniyang personal na buhay. Dito, pinansin ng batikang host na hindi na masyadong natatanong ang singer-actress tungkol sa kasal.

“Most of the time, Tito Boy, ganiyan pa rin ang tinatanong sa akin,” saad ni Julie.

Para sa aktres, ipinagpapaubaya na niya ang mangyayari sa hinaharap sa Diyos.

“Ako, right now Tito Boy, nasa point kasi ako ngayon na I'm just letting God control it kasi it is the best way, Tito Boy, kasi hindi ako umaasa sa kung ano 'yung gusto ko, kung ano ' yung gusto Niya, kung ano 'yung gusto ni Lord, kung ano 'yung will ni Lord. Kung papaano, kailan mangyayari ang mga bagay-bagay,” sabi ni Julie.

“I'm just letting things be and letting God handle everything,” dagdag pa ng singer-actress.

Samanatala, ikinuwento rin ni Julie kung papaanong dumaan sa “butas ng karayom” ang nobyong si Rayver para makuha ang loob ng kaniyang mga magulang.

“I think 'yung parents ko kasi, they're very reserved, they're the best people in the world for me, they know what's best for me. Siyempre may mga times naman na hindi naman talaga maiwasan na may parang 'O, hindi.' Tapos parang ayaw nila, or gusto ko, or like ayaw ko, pero gusto nila,” sabi ni Julie.

Pagbabahagi ni Julie, may mga pagkakataon na ganu'n pa rin ang mga magulang niya sa kaniya, bagay na sa tingin niya ay hindi na maaalis sa dyanmics sa pagitang ng isang anak at kaniyang mga magulang. Ngunit ngayon, masasabi niyang okay na sila kay Rayver.

Nang tanungin si Julie kung ano ang mga paalala ng kaniyang magulang tungkol sa pagpapakasal, sinabi ng singer-actress na gusto nilang maging okay ang lahat at maging masaya si Julie.

“And importante kasi Tito Boy talaga na maging centered lagi si Lord sa relationship ninyo and open communication is always the key. And kami naman ni Ray, talagang as much as possible, talagang open book kami sa isa't isa, wala kaming tinatago. Kapag may problema, pinag-uusapan namin agad,” sabi ni Julie.

Panoorin ang panayam kay Julie rito:


TINGNAN ANG PAG-IIKOT NINA JULIE AT RAYVER SA MGA UK LANDMARKS SA GALLERY NA ITO: