GMA Logo Julie Anne San Jose
Celebrity Life

Julie Anne San Jose, magbabalik concert at serye na ngayong 2025

By Karen Juliane Crucillo
Published January 7, 2025 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose


Handa nang muling magningning si Julie Anne San Jose sa entablado at telebisyon!

Simula pa lamang ng 2025 pero buhos agad ang blessings ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.

Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Lunes, nabanggit ng Kapuso artist na may mga nakaplano na siyang ilang concerts dito sa Pilipinas at pati na sa abroad ngayong taon.

Hindi rin magpapahuli si Julie Anne bilang aktres dahil magbabalik na rin siya sa isang serye matapos ang Maria Clara at Ibarra.

Kamakailan lamang, pinarangalan ito ng 2024 Aliw Awards.

Hinirang si Julie Anne bilang Entertainer of the Year at natanggap niya rin ang Best Collaboration in a Concert award para sa concert niyang "Julie & Stell: Ang ating Tinig" na kasama niya si Stell ng SB19.

"Unang-una po sa lahat, nagpapasalamat po ako sa Panginoon sa lahat po ng mga biyayang natanggap ko for 2024," sabi ni Julie Anne.

Pinasalamatan niya rin ang Aliw Awards dahil malaking karangalan ito para sa Kapuso star.

Dagdag nito, "Ito po ay nagsisilbing inspiration at motivation para po sa akin, para mas pagbutihin pa ang aking trabaho at ang aking larangan."

Maligayang pagbati sa iyong tagumpay, Julie Anne!

Tingnan naman si Julie Anne San Jose rito bilang Ginebra's 2025 Calendar Girl: