GMA Logo Julie Anne San Jose
Photo by: sparklegmaartistcenter (IG)
What's Hot

Julie Anne San Jose, magdo-donate para sa Little Sisters of the Abandoned Elderly sa kanyang birthday

By Aimee Anoc
Published May 18, 2026 2:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Senate convenes as impeachment court for Sara Duterte trial
Quezon City holds Lechon Festival in La Loma
Chef JR's take on traditional Pancit Chami | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose


Party with a purpose ang naging birthday celebration ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.

Mala-concert ang naging pagsalubong ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa kanyang 32nd birthday kung saan nakasama niya ang fans, pamilya, at mga kaibigan sa naganap niyang "JAPS Music Box Live" sa Muntinlupa.

Ang nasabing party with a purpose ay alay ni Julie Anne para makapagbigay suporta sa mga matatanda sa Little Sisters of the Abandoned Elderly.

"For this year, I decided to donate to the Little Sisters of the Abandoned Elderly, sa mga matatanda naman ito," sabi ni Julie Anne sa interview ni Athena Imperial.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Samantala sa event, pinerform ni Julie Anne ang bago niyang single na "Kung Ikaw Ay Bibitaw."

Ayon kay Julie, nasa proseso siya ngayon ng pagsusulat at pag-create ng mga kanta.

"Ito 'yung year na nilalaan ko talaga 'yung sarili ko para sa creative side," aniya.

Noong Linggo (May 17), ipinagdiwang din ni Julie Anne ang kanyang birthday sa All-Out Sundays kung saan nakatanggap siya ng nakakakilig na mensahe mula sa kanyang boyfriend na si Rayver Cruz.