
Very happy si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose dahil napili ang kanyang kanta bilang soundtrack ng bagong GMA K-drama series na Mr. Queen.
Ang current single ni Julie Anne na pinamagatang “Kung Wala Ka” ang soundtrack ng nasabing serye na mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m., sa GMA Telebabad.
Unang pinasikat ng pop-rock band na Hale ang “Kung Wala Ka” noong 2005.
Muling namamayagpag ang “Kung Wala Ka” simula nang lumabas ang cover ni Julie Anne nung August 20.
Sa mismong araw nga ng release ng single under Universal Records ay umakyat agad ito sa Top 3 sa iTunes.
Ngayon ay gabi-gabing mapapakinggan ng publiko ang “Kung Wala Ka” sa pamamagitan ng Mr. Queen.
“It hits differently, no? Kasi kapag may isang show na lalabas tapos 'yong isa sa mga songs mo 'yong ginamit as a theme song nakakataba din talaga ng puso,” sabi ni Julie Anne nang makausap ng GMANetwork.com.
“Kasi may bago na naman silang aabangan, bagong K-drama na aabangan sa GMA. Mapapanood nila weeknights and every night din nila mapapakinggan 'yong song, so I'm happy.
“It's such a beautiful song and I always feel na kapag may mga theme songs parang nagkakaroon ng recall din kasi sa mga tao.”
Katulad ng marami ay fan din ng K-drama si Julie Anne. Unfortunately, walang time si Julie Anne na manood ng mga series dahil very busy ang schedule niya kahit pa may pandemya.
“The last K-drama that I watched was 'It's Okay to Not Be Okay.' Pero ngayon kasi hindi na ko medyo nakakapanood ng TV, hindi na ko nakakapanood ng mga online series, ng shows or movies kasi medyo hati-hati din 'yong schedule,” paliwanag ni Julie Anne.
“But yes, sobrang ganda ng mga concept and storylines ng mga K-dramas. Ewan ko, 'pag nanunood ako ng K-drama, iba talaga siya.”
Ang kapatid daw ni Julie Anne ang nagmulat sa kanya sa mundo ng K-dramas.
“The very first K-drama that I watched was 'Weightlifting Fairy Kim Bok-joo.' I think wala pa yata sa Netflix 'yon, we were just watching it sa isang online site. Sobrang dami [ng K-drama choices] hindi na namin alam 'yong pipiliin.
“Basta sobrang iba talaga 'yong feel ng K-drama, sobrang iba ang quality.”
Samantala, balikan ang magandang takbo ng career ni Julie Anne sa gitna ng pandemic.