GMA Logo Julie Anne San Jose
Source: myjaps (IG)
What's on TV

Julie Anne San Jose, masaya nga ba sa maagang pagpasok sa showbiz?

By Kristian Eric Javier
Published September 6, 2025 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Babae, patay nang pagsasaksakin at bugbugin ng mister dahil sa selos umano; suspek, nakita sa balon
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose


Ano ang masasabi ni Julie Anne San Jose tungkol sa maagang pagsisimula niya sa showbiz industry?

Isa si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa mga artista na maagang pinasok ang pag-aartista at gaya ng mga batang maagang namulat sa pagtatrabaho, minsan kayang naisip ng singer-actress na nawalan siya ng kabataan dahil sa karera?

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, September 5, binalikan ni Julie ang pagpasok niya sa entertainment industry noong tatlong taong gulang pa lamang siya sa pamamagitan ng pagsali sa Little Miss Philippines.

Kuwento ng aktres, “I joined Little Miss Philippines and then nag-Batibot din po ako, I think nag-Koko Kwik Kwak din po ata ako, I was really young back then.”

Sa edad na 11, ipinamalas naman ni Julie ang galing sa pagkanta noong sumali siya sa reality singing competition na Pop Star Kids.

Kaya naman, tanong ni King of Talk Boy Abunda sa kaniya, “Wala ka bang pakiramdam na ibinigay mo 'yung childhood mo to the career?”

Sagot ni Julie, “Parang hindi naman.”

Ayon sa kanya, nagkaroon naman siya ng interesanteng pagkabata at sinabing maliit pa lang ay sumasali na siya sa mga contests at pageants. Lagi rin umano siyang sinasabak sa mga school programs at singing contests sa school kaya hindi na bago sa kaniya ang pagtanghal.

“Parang I guess talagang na-expose ako ng maaga nu'ng bata kaya parang siguro nasanay na din ako na 'Ah, this is what I want to be when I grow up,'” sabi ni Julie.

KUMUSTAHIN KUNG NASAAN NA NGAYON ANG MGA DATING KAPUSO CHILD STARS SA GALLERY NA ITO:

Dagdag pa niya lagi rin sinasabi ng mga magulang niya, lalo na ng kaniyang lola, ang kanilang hiling na pumasok siya sa entertainment industry dahil sa nakikita nilang potensyal sa kaniya.

“Sabi ko, 'Okay, let's try' Happy talaga ako sa ginagawa ko, but there was a point that I had to stop and focus on school po talaga,” saad ni Julie.