Article Inside Page
Showbiz News
Kahit semi-regular si Julie Anne sa Pepito Manaloto, inamin niya na kakaibang bonding ang naranasan niya sa set ng nasabing show.

Your Sunday night is incomplete kung na-miss niyo ang
Pepito Manaloto.
Isa sa mga semi-regular dito ang Kapuso singer na si Julie Anne San Jose. She plays Nikki ang ka-love triangle ni Chito (played by Jake Vargas) and Erika (played by Bea Binene).
Sa interview ng GMANetwork.com kay Julie Anne San Jose sa pre-birthday celebration niya last May 8, super saya daw makatrabaho ang mga cast ng
Pepito Manaloto. Swak na swak nga itong si Julie na mapasama sa one of the top-rating programns ng Kapuso Network dahil masayahin at palatawa ang dalaga.
Ayon sa aktres, “Naku! Sobrang wala akong masabi sa kanila. Sobrang saya saya saya saya nilang katrabaho. I think that’s the best show na nakatrabaho ko so far,” saad ni Julie.
“And ayun sobrang init [ng pagtanggap nila], I mean like kahit hindi ako masyadong madalas dun. Semi-regular ako, pag naguest-guest ako, talagang alam mo 'yung ramdam ko na kabilang din ako sa kanila, tsaka yung pag-accept nila sa akin parang family na din” dagdag pa ng Kapuso singer.
Kinuwento pa niya na, nasorpresa siya nang mapasama siya sa Asian cruise episode ng
Pepito Manaloto, kung saan nagtaping ang cast sa tatlong bansa, sa Singapore, Vietnam at Hongkong.
Inamin din ni Julie na certified JaBea fan siya at binuking pa nito sina Jake at Bea dahil super sweet daw ng dalawa. “On and off cam, they are really sweet. At saka natural sila kasi bagay talaga sila… They are undeniably one of the hottest love team sa generation naming ngayon”.
Huwag palampasin ang last episode ng Asian Cruise Special ng
Pepito Manaloto this Sunday, May 25. Log on to
www.gmanetwork.com for the latest stories and happenings about your favorite Kapuso artist.
--Text by Aedrianne Acar, Photo by Bochic Estrada