
May bagong love song na ilalabas si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.
Sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras, ni-reveal ng singer-actress ang kuwento kung paano nabuo ang susunod niyang awitin, kung saan naging inspirasyon niya ang boyfriend na si Rayver Cruz.
Ayon kay Julie Anne, sobrang random ng pagkakagawa niya sa love song, na naisulat niya habang may sakit.
"Parang first time ko rin na nagkaroon ng ganitong klaseng song. Nakakatawa nga kasi 'yung story behind it, talagang sobrang random kasi," sabi ng aktres.
"I got sick at that time, siyempre, bed resting ako. Tapos may mga pumapasok na melodies sa isip ko, isinusulat ko lang siya.
"It's actually for Ray (Rayver). I wrote it for Ray. It's a love song," dadgag niya.
Video courtesy of GMA Integrated News (YT)
Samantala, napapanood sina Julie Anne at Rayver bilang Clash Masters ng The Clash Teens, tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA.
Related content: Rayver Cruz and Julie Anne San Jose spend Valentine's Day with a cozy steak date