
May patikim ang Asia's Pop Diva at Heartful Café star na si Julie Anne San Jose sa isa sa mga kanta na gagamitin sa pagbibidahan niyang musical series na Still. Makakasama niya si Asia's Romanctic Balladeer Christian Bautista sa nasabing musical.
Kasalukuyang nagte-taping si Julie Anne para sa Still. Dito na rin siya inabutan ng kanyang ika-27 na kaarawan.
"As you can see nasa set po ako, and I believe this is my first time to celebrate ng aking birthday sa set," saad ni Julie sa isang video.
"So as I turn a year older, there's so much to be grateful for.
"Kaya gustong gusto ko po magsalamat unang una kay God, 'Lord, thank you sa lahat ng mga blessings and opportunities to learn, to grow, and to even be a better version of myselff.'
"Sa aking family, sa aking friends for the unconditional love and guidance, and to all of you who have been here with me since Day 1.
"Maraming maraming salamat po. Ako po 'yung may birthday pero ako po 'yung may regalo sa'yo."
Ayon kay Julie Anne, marami ang ma-i-inspire sa kuwento ng Still na mapapanood sa Viu.
"Still is an inspirational lockdown story. I know na hindi po naging madali ang lockdown sa nakararami, and pati na rin po sa akin.
"Kaya sa lahat po ng mga nangangarap at nangangailangan ng inspirasyon para magpatuloy sa laban ng buhay, you can still hope. You can still dream.
"This is my song for you, this is a song from 'Still' called 'Bagong Mundo.'"
Panoorin ang patikim ni Julie Anne sa "Bagong Mundo" sa ibaba:
Bago mapanood si Julie sa Still, mapapanood siya mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Primetime show na Heartful Café kasama si Kapuso Chinito Heartthrob David Licacuo.
Kilalanin pa ang iba nilang kasama sa Heartful Café rito:
Mapapanood ang full catch-up episodes ng Heartful Café sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.
Sa mga Kapuso abroad, mapapanood ang Heartful Café at iba pang programa ng GMA sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV. Pumunta lamang sa gmapinoytv.com para sa iba pang mga detalye.