
Isa sa kilalang magaling na singers sa bansa ang Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose. Mula sa kanyang hit renditions, released songs, hanggang sa live performances, palaging hinahangaan siya ng netizens.
Naging inspirasyon din si Julie Anne sa mga young aspiring singers sa bansa. Katulad sa singing competition na The Voice Kids, kitang-kita ang kilig ng batang contestants sa tuwing nakikita nila ang kanilang iniidolong coach.
Sa isang panayam sa GMANetwork.com, nagbigay ng tips si Julie Anne para sa kanyang mga tagahanga na nais ding maging magaling na singer.
Una, huwag daw matakot sumubok ng bagong karanasan at laging gawin ang kanilang best sa entablado.
"Ibigay mo lang best mo at tsaka huwag kang matakot mag-try ng mga bagong bagay. Don't be afraid to take risks kasi sa lahat ng bagay may risks naman iyan,' sabi ni Julie Anne.
Huwag din daw ikahiya ang pagpapakatotoo sa mga manonood dahil, "Kapag artist ka, you have to make people see who you are as a person din."
Lagi rin daw tandaan na ang isang mang-aawit ay hindi lamang iniisip ang tamang tono o boses ng kanta. Dapat din daw maging responsable sa pagbabahagi ng mensahe at emosyon ng awitin.
"Kapag singing kasi hindi rin siya madali. Kailangan may kaakibat kasi siya responsibility rin. Kasi most people siguro would see singers na, 'Oh yung boses nila, yung tono nila,' it's actually more than that. You're not just singing but you are also telling a story to the listeners or to the viewers," paliwanag ni Julie Anne.
Ngayong kapaskuhan, muling nagbigay ng tuwa, pagmamahal, at pasasalamat ang Kapuso artist sa pinakabagong GMA 2024 Christmas Station ID na "Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat."
Maraming netizens ang muling humanga kay Julie Anne nang ipinamalas niya ang kanyang husay sa pagkanta. Kasama rin niya sa jingle ang iba pang Kapuso stars na sina Aicelle Santos, Rita Daniela, Jessica Villarubin, Hannah Precillas, Mariane Osabel, Thea Astley, Garrett Bolden, Anthony Rosaldo, John Rex, at ang Sparkle youngest P-pop group, Cloud 7.
Silipin ang behind-the-scenes ng recording ng Kapuso stars sa 'Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat' dito: