GMA Logo julie anne san jose
What's Hot

Julie Anne San Jose, na-inspire kay Marian Rivera bilang calendar girl

By Nherz Almo
Published November 8, 2024 9:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jalen Brunson's winner propels Knicks past Pacers
Joint probe underway in death of ex-DPWH Usec. Cabral
Heart Evangelista advocates for pet adoption on her social media

Article Inside Page


Showbiz News

julie anne san jose


Julie Anne San Jose on Marian Rivera: "Talagang through the years walang nagbago."

Ipinakilala noong nakaraang linggo si Julie Anne San Jose bilang calendar girl ng isang kilalang inumin para sa 2025.

Sa event launch nito, ipinakita ang iba't ibang versions ng 2025 calendar kung saan makikita ang sexy photos ni Asia's Limitless Star. Ayon kay Julie Anne, nakaka-proud na siya ang napiling maging Ginebra Calendar Girl 2025 lalo pa't mga kapwa sikat na artista ang kanyang sinundan kabilang na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Sa panayam matapos ang programa, inamin ni Julie Anne na si Marian ang naging inspirasyon niya nang gawin niya ang mga bagong proyektong ito.

“Lalayo pa ba ako? Siyempre, kay Ate Marian,” nakangiting sabi ng 30-year-old singer-actress.

“Since twice siya naging calendar girl, sabi ko, 'Wow!' Nakita ko kasi yung mga layout and pictures before, so talagang through the years walang nagbago. I mean, she's still Marian Rivera. You know, I've always loved her, talagang I've always looked up to her talaga ever since noong nag-start siya.

“Actually, nakaka-proud nga, e, you know, coming from the recent success of Balota, talagang marami siyang nai-inspire na mga tao, especially mga teacher at mga estudyante. Talagang nakaka-proud.”

Katulad ni Marian, umaasa si Julie Anne na sa pamamagitan ng pagiging calendar girl ay mas makapag-reach out pa siya sa publiko.

Aniya, “Going back sa pagiging calendar girl, katulad nga ng sinabi ko, I want to reach out din. Actually, isa yun sa mga nilo-look forward ko. I'm excited to be in different places in the Philippines to be with our Ka-Barangays and celebrate with them.”

Related gallery: Julie Anne San Jose is a sexy Ginebra Calendar Girl 2025

Sa kabilang banda, nilinaw naman ni Julie Anne ang usap-usapan na simula na ito ng kanyang sexy image.

“Para po sa akin kasi 'yung pagiging sexy hindi lang nakikita sa katawan or sa physical aspect. Ang pagiging sexy ay nakikita sa character ng isang tao--kung papaano niya dalhin ang kanyang sarili, paano niya i-voice out 'yung opinions niya, at kung papaano siya magbigay ng inspirasyon sa ibang tao sa pamamagitan ng craft o sa kung anong kaya niyang gawin,” pagtatapos niya.

Tingnan ang sizzling photoshoot ni Julie Anne San Jose para sa kanyang 30th birthday: