
Mas lalong naging espesyal ang lighting ceremony ng Tree of Hope sa Marco Polo Plaza Cebu dahil nakasama nila ang Asia's Pop Diva na si Julie Anne San Jose sa naturang event.
Nakapag-perform via livestream ang award-winning Kapuso diva para sa unveiling ng Christmas tree sa luxury hotel noong Sabado, November 14.
Sunod-sunod ang malalaking milestone ni Julie nitong mga nakaraang linggo. Matatandaan na kinanta niya ang isa sa mga OST ng Netflix animated series na 'Over The Moon' at umabot din ng 30 million streams sa Spotify ang cover niya ng 'Your Song.'
Nakapag-release din siya ng bagong kanta under her record label na Universal Records noong November 6 na "Try Love Again.”
Mga Kapuso, yayain ang buong pamilya para saksihan ang release ng 2020 Christmas Station ID ng Kapuso Network mamayang gabi!
#Flashback: GMA Network's most heartwarming Christmas Station IDs