GMA Logo julie anne san jose
Source: myjaps (IG)
What's on TV

Julie Anne San Jose, nagpaalam na bilang Maria Clara sa 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published February 11, 2023 12:25 PM PHT
Updated February 11, 2023 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

julie anne san jose


Para kay Julie Anne San Jose, isang karangalan ang mapabilang sa palabas na 'Maria Clara at Ibarra' na itinuturing niya bilang isang obra.

Nagpaalam na si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Sa ika-95 episode ng serye, namatay na ang karakter niyang si Maria Clara matapos mabaril ni Padre Salvi habang pinoprotektahan si Crisostomo Ibarra.

Sa isang mahabang Instagram post, ibinahagi ni Julie Anne ang mga saloobin niya matapos gumanap sa isa sa pinaka iconic na mga tauhan ng panitikang Pilipino.

"Isang napakalaking karangalan na mapabilang sa programang #MariaClaraAtIbarra Maraming salamat sa @gmanetwork at @sparklegmaartistcenter sa tiwala at pagkakataon na mabigyang buhay ko si Maria Clara. Maraming salamat kay @zigcarlo sa paggabay sa bawat eksena, sa aking mga kasamang aktor na tunay na mahuhusay, sa mga manunulat na malikhain, at sa buong produksiyon ng proyekto na naging kaibigan at pamilya ko na. Higit sa lahat, maraming salamat sa inyo gabi-gabi, nakakataba ng puso ang inyong pagsuporta at pagmamahal sa programang ito. Mas minahal ko ang aking larangan bilang artista sapagkat kami ay naging instrumento upang maipakita namin ang makulay at maalab nating kasaysayan," sulat niya.

Very proud din si Julie Anne sa Maria Clara at Ibarra dahil sa mga aral na hatid nito sa mga manonood.

"Para sa akin, isang obrang maituturing ang aming palabas. Ito ay siguradong kapupulutang aral, na maipamamana sa mga susunod pang henerasyon. Matapos man ang palabas na ito, ang kultura at kasaysayan natin ay habang buhay na nakatatak sa ating mga puso't isipan. Ito ang nagpapaalala sa ating mga karapatan bilang tao, at sa ngalan pag-ibig - sa sarili, sa kapwa, at maging sa bayan - tayo ay lumalaban at patuloy na lalaban," pagpapatuloy niya.

"Hanggang sa muli, ito po ang inyong Maria Clara delos Santos Y Alba, isang maalab na pagpupugay sa kasaysayan ng Pilipinas, salud! " pagtatapos niya.

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)

Patuloy na tutukan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital channel na Pinoy Hits, habang mapanood naman ang same-day replay nito Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m. sa GTV.

Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

NARITO ANG MGA HULING SULYAP KAY JULIE ANNE SAN JOSE BILANG MARIA CLARA: