
Sa naganap niyang "JAPS Music Box Live" birthday event, naibahagi ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose na nag-i-invest na rin siya ngayon sa real estate.
Ayon sa aktres, ang pag-i-invest niyang ito ay para sa future.
"May mga napag-invest-an na, may mga nabili na mga properties," sabi ni Julie Anne sa interview kay Athena Imperial para sa Unang Balita.
Nang tanungin ang purpose ng kanyang investment, sagot ni Julie, "For the future."
Samantala, dinaluhan at nag-perform sa kanyang "JAPS Music Box Live" ang Sparkle singers na sina Arabelle Dela Cruz at John Rex.
Sa nasabing event, nakasama ni Julie Anne ang kanyang fans, pamilya, at mga kaibigan. Isa itong party with a purpose para sa kanyang 32nd birthday, na inilaan niya para makatulong sa mga matatanda sa Little Sisters of the Abandoned Elderly.
Panoorin ang buong interview ni Julie Anne San Jose sa Unang Balita sa video na ito:
RELATED GALLERY: The many achievements of Asia's Pop Diva Julie Anne San Jose