
Muling binalikan ni Julie Anne San Jose ang isang milestone sa kanyang showbiz career matapos siyang mag-perform kasama ang kanyang idolo na si Regine Velasquez-Alcasid.
Sa ginanap na R3.0 concert, isa si Julie sa mga next generation of divas na napiling makasamang mag-perform ng Asia's Songbird. Kahit may sakit si Julie sa araw na iyon ay nagkaroon pa rin siya ng magandang performance kasama ang kanyang idol.
Aniya, "That time nung rehearsals namin, parang medyo wala pa [akong sakit]. Tapos noong concert na ni Ate Reg nung umaga, medyo may nararamdaman na ako. Sabi ko 'Oh my God, oh no!' Luckily, naging flawless naman po 'yung flow ng performance namin. Definitely one for the books naman."
Masaya rin umano si Julie na mapabilang sa espesyal na araw ni Regine. "I'm just really happy na na-acknowledge rin po kami ni Ate Reg and inimbitahan niya kami bilang part ng journey niya, ng concert niya," bahagi niya.
WATCH: Regine Velasquez, puring-puri nina Aicelle Santos at Julie Anne San Jose
Inilahad naman ni Julie na hanggang ngayon ay mixed emotions pa rin siya sa kanyang naging performance with Regine. Saad ng Asia's Pop Sweetheart, "Nakakaiyak, mixed emotions pa rin ako hanggang ngayon. Surreal pa rin na hindi pa rin makapaniwala na nag-perform ako roon sa concert na alam ko sa sarili ko na parang maipagmamalaki ko rin. Sobrang grateful lang po talaga."