
“I have to be ready in all aspects because definitely, it's gonna be a different one.”
Ito ang naging pahayag ni Limitless Star Julie Anne San Jose nang tanungin siya ng GMANetwork.com tungkol sa kanyang paghahanda bilang isa sa mga coach ng first-ever The Voice Generations in Asia na mapapanood na sa GMA simula ngayong August 27.
Kuwento ni Julie, kailangan niyang maging handa sa lahat ng aspeto dahil batid niyang ibang klaseng trabaho ang maging coach ng mga talent sa isang malaking singing competition.
Aniya, “It's gonna be a different attack, it's a different experience.
“Because siyempre kapag nandu'n ka na you'll be witnessing different people from different generations, and siyempre susubaybayan mo 'yung journey nila.”
Dagdag pa niya, “Siyempre kikilatisin mo kung ano 'yung mga strength and weaknesses ng bawat isa and talagang gugustuhin mo sila na mapunta sa team mo kasi nga 'yun 'yung feeling mo na kailangan nila kaya talagang ayun it's gonna be a tough ride but an exciting one.”
Hindi naman itinanggi ni Julie na nakaramdam siya ng pressure sa mga kasama niyang coaches sa The Voice Generations na sina Billy Crawford, SB19 member na si Stell, at ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda.
“Na-pressure ako kasi ewan ko ba talagang kapag kasi nakikita ko sila Kuya Chito, sila Billy tapos 'yan si Stell, parang nakakapanibago kasi nga I really haven't worked with them as in in one project,” ani Julie.
Kuwento pa niya, “I've worked with Stell sa All-Out Sundays, si Kuya Chito, we tried working on a song together but we never really met in person on the process. Si Billy naman, well noong Sugar Pop days parang 'yun 'yung pinaka-huling-huling memory ko sa kaniya that was like SOP days pa, which is a long time ago and wala lang kasi nasa-starstruck pa rin ako kasi dati pinapanood ko lang sila sa TV tapos ngayon makakatrabaho ko na sila as a coach.”
Pagdating naman sa game plan niya as a coach sa kanyang bubuoing team, “I really want to focus on each other's strengths and weaknesses muna bago ako siyempre before jumping into the process or kung ano man 'yung kailangan pang i-workout siyempre gusto ko rin na ibigay nila 'yung best nila and talagang mag-shine sila not just individuals but as a group as well.”
Ang The Voice Generations ay ang newest spin-off ng biggest singing competition sa mundo na The Voice mula sa ITV Studios.
Mapapanood ito for the first time hindi lamang sa Pilipinas kung 'di pati na rin sa buong Asya via GMA Network simula ngayong August 27.
Para sa iba pang showbiz and entertainment updates, bisitahin ang GMANetwork.com.