GMA Logo julie anne san jose and rayver cruz
What's on TV

Julie Anne San Jose, papayagan ba si Rayver Cruz na makatrabaho ang ex nito?

By Jansen Ramos
Published June 25, 2026 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Temporary visitor visa, mananatiling libre para sa mga Pinoy sa kabila ng visa fee hike—Japan embassy
Mga peligrosong sanga ng puno sa Rizal Avenue, sinimulan nang putulin | One North Central Luzon
Thai actor PP Krit shares snaps from Palawan vacation

Article Inside Page


Showbiz News

julie anne san jose and rayver cruz


Sa guest appearance nila sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ngayong Huwebes, June 25, sinagot ni Julie Anne San Jose ang tanong kung okay lang sa kanya na maka-collaborate ng boyfriend niyang si Rayver Cruz ang ex-girlfriend nito.

Nagsimula bilang best friends sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz hanggang sa nauwi ang kanilang closeness sa pagiging magkasintahan matapos magsama sa ilang proyekto sa GMA.

Pag-amin ng Kapuso couple sa guest appearance nila sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes. June 25, maging ang exes nila ay hayagan nilang napag-uusapan.

Paliwanag ni Rayver, "'Di ko s'ya ibi-bring up unless nagtanong si Jules pero hindi s'ya yung out of nowhere na parang nag-reminse ka kasi syempre, for me, baka 'di ka super in love sa partner mo."

Natanong din ng King of Talk na si Boy Abunda kung papayagan ba nila ang isa't isa na makatrabaho ang kanilang exes.

Sa parte ni Julie, payag siya aniya na maka-collaborate niya ang dating na-link sa kanya na si Elmo Magalona. "Elmo and I are really, really good friends, alam naman lahat ng tao 'yan saka Elmo is a very nice guy. Sobrang talented saka if ever na magkaroon ng collaboration, why not 'di ba?"

Samantala, kung ex naman ni Rayver ang pag-uusapan, walang issue para kay Julie na makatrabaho ng kanyang boyfriend ang sino man sa mga ex nito.

Mabilis niyang sagot, "Oo naman, wala pong kaso."

Bilang pagrespeto sa kanyang nobya, may kondisyon si Rayver kung sakaling magkaroon ng offer na makipag-collab siya sa kahit sino sa kanyang exes.

Katwiran niya, "Bago trabaho, iisipin ko muna kung nasa lagay ako ng girlfriend ko."

Binigyang-diin naman ni Julie na okay lang ito sa kanya dahil malaki ang tiwala niya kay Rayver. "For what it's worth, wala po talagang problem sa 'kin because parang wala na kasi kami sa phase na 'yon to question each other's loyalty."

Paliwanag pa ni Rayver, gagawin lamang niya ang project with an ex kung may basbas ito ni Julie.

Ika niya, "Ako kasi nando'n ako sa baka pag-awayan pa 'yan e. Pero kung pahihintulutan ng partner mo, bakit hindi?

Kinumpirma nina Julie at Rayver ang kanilang relasyon noong November 2022 sa JulieVerse concert.

Napapanood sila Julie Anne at Rayver bilang Clash Masters ng The Clash Teens. Mainstays din sila ng Kapuso weekly musical variety show na All-Out Sundays.

RELATED FEATURE: Rayver Cruz and Julie Anne San Jose spend Valentine's Day with a cozy steak date