What's Hot

Julie Anne San Jose, pinangalanan ang OPM artists na nais niyang makatrabaho

By ANN CHARMAINE AQUINO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 4:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



"Gusto ko talaga si Kuya Gary Valenciano." Julie Anne San Jose


Sa tagal na ni Julie Anne San Jose bilang singer/performer, may ilan pa raw siyang OPM artists na nais na makatrabaho.

"Gusto ko talaga si Kuya Gary Valenciano," kuwento ni Julie.

Dagdag ng dalaga, nakatrabaho na niya ang ilan sa mga sikat na OPM artists. Ngunit may ilang pang mga musicians na nais niyang maka-duet.

Aniya, "Kasi si Ate Reg (Regine Velasquez-Alcasid) naka-duet ko na, si Kuya Ogie (Alcasid), Ate Jaya, Kyla, Jay-R. Ang hindi ko pa talaga nakakatrabaho sila Ms. Lea (Salonga), Tito Gary, and Martin Nievera.

"I really look up to them so ever since bata pa lang ako, sila na 'yung pinapakinggan ko. I think that it would be nice kapag makakasama ko sila sa isang segment or sa isang prod." pagpapatuloy ni Julie.

Nitong Abril, natanong ng isang netizen si Gary kung gaano kagaling si Julie bilang singer. Sinagot naman ito ni Gary ng, "She's one the country can be proud of."

READ: Gary Valenciano, pinuri ang talento ni Julie Anne San Jose

Muling na-flatter ang Kapuso star sa naging hayag ni Gary nang ipaalala ito sa kanya.

Aniya, "Na-overwhelm ako. I feel flattered, sana hopefully one day, magkaroon ng chance."

MORE ON JULIE ANNE SAN JOSE:

Julie Anne San Jose, nagbahagi ng mga kuwento sa likod ng concert nila ni Christian Bautista

 

 

EXCLUSIVE: Julie Anne San Jose says she's no longer single

http://www.gmanetwork.com/entertainment/gma/articles/2016-11-22/26977/EXCLUSIVE-Julie-Anne-San-Jose-says-shes-no-longer-single