GMA Logo julie anne san jose and mariane osabel
What's on TV

Julie Anne San Jose, proud sa narating ni Mariane Osabel

By Jansen Ramos
Published January 19, 2023 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia shuts dozens of east coast beaches after shark attacks
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

julie anne san jose and mariane osabel


Mula sa pagiging 'The Clash' contestant, kasama na ngayon ni Julie Anne San Jose si Mariane Osabel na mag-perform sa 'All-Out Sundays.'

Isang taon na ang nakalilipas nang tanghalin ang Iligan City native na si Mariane Osabel bilang fourth The Clash winner.

Si Mariane ay kasalukuyang napapanood sa weekly variety show na All-Out Sundays bilang parte ng Kapuso divas group na 'Queendom.'

Kasama niya rito ang The Clash host na si Julie Anne San Jose, na nasaksihan ang kanyang pag-unlad bilang artist.

"Natutuwa ako kay Mariane actually kasi ang laki ng growth n'ya no'ng nanalo s'ya sa fourth season ng The Clash which is last year.

"Kasi no'ng lumalaban pa lang si Mariane, alam naming lahat na like, wow, this girl has a lot of potential and she will definitely go places.

"And ang ganda-ganda ng boses ni Mariane 'tapos s'yempre nakakasama namin s'ya sa AOS, sa Queendom, naririnig namin at nakikita namin na talagang nag-e-excel s'ya.

"Talagang pinaghihirapan n'ya 'yung ginagawa n'ya saka sobrang dedicated n'ya sa trabaho," bahagi ni Julie Anne sa panayam ng GMANetwork.com

Total package nga na maituturing si Mariane--mahusay ang boses at may star factor, at all-around ang talento.

Para kay Julie Anne, ganito rin ang hinahanap niyang maging susunod na grand champion ng The Clash, na may bagong season na magpe-premiere na sa Linggo, January 22.

Aniya, "Yung versatile, isa 'yun sa requirements here in the Philippine industry.

"Alam mo naman how it works here kasi kapag naatasan ka na ganito 'yung kakantahin mo, like ganito 'yung gagawin mo, maraming ipapagawa sa 'yo.

"So someone who's that, someone very versatile na kahit saan mo isabak, kaya or pwede n'yang gawin."

Sa pagbabalik ng The Clash, muling mapapanood si Julie Anne bilang main host, na kung tawagin ay "Clash Master," ng programa kasama ang boyfriend niyang si Rayver Cruz for the fourth time.

Ngayong lantad na ang relasyon nila ni Rayver, may magbabago ba sa kanilang paraan ng pagho-host ng musical competition?

Sagot ni Julie, "This year, mas magiging natural lang din siguro because that's always our goal to reach to each one of our Clashers, 'yun naman din ang importante.

"Kailangan magkaroon ka ng special bond or relationship sa bawat isa sa kanila. Sobrang laking bagay 'yun for me and I hope, we hope for them as well."

Mapapanood ang The Clash 2023 tuwing Linggo, simula January 22, 7:50 p.m. sa GMA 7.

Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash at sa official social media pages ng programa.

BAGO PA MAGSIMULA ANG THE CLASH 2023, BALIKAN ANG MUSICAL JOURNEY NG REIGNING CHAMP NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: